Thursday, October 08, 2009

Buhay nga naman...

Sisikat ang araw, ngunit di natatanaw,
Dudungaw sa bintana, na halos tulala,
Ang buhay nga naman,
Tatahakin nino man,
Nang walang kasiguruhan.

Batikos sa bayan, iyong maririnig,
Mga radyo't telebisyon, patuloy na nanunulsol,
Ang buhay nga naman,
Hahamakin nino man,
Hanggang sa walang hanggang.

Nanaisin ko mang makisalamuha,
Subalit pilit parin, ako'y nangungulila,
Sa mahal kong irog, pilit ipinamumukha,
Mga bagay bagay na, di maipinta sa mukha.

Ang buhay nga naman, parang teleserye,
Ang minsang pag-iisa, animoy nakalutang sa ere,
Bakit kinakailangang, dumanas na parang api,
Namumulang mga mata'y, may latay sa pisngi,
Ang luhang patutungo, sa matinding pagtitimpi.

No comments:

Post a Comment